Panimula
Ano ang PoolTogether?
Puwedeng sumali sa laro ang mga player sa pamamagitan ng pagbili ng mga ticket para sa pag-iipon, na bawat isa ay magbibigay sa kanila ng pagkakataong manalo ng premyo. Sa katapusan ng bawat linggo, may ilang panalo na makakakuha sa mga premyo ng pool at makakabawi ng kanilang mga ticket. Gayunpaman, natatangi ang larong ito dahil mababawi rin ng mga player na hindi nanalo ang mga ticket nila. Hindi mawawalan ng pera ang lahat ng kasali! Para mapondohan ang mga premyo, ginagamit ng PoolTogether ang interes na kinita sa mga biniling ticket. Tingnan natin nang mas mabuti kung paano ito gumagana!

Paano gumagana ang PoolTogether?
Sa katapusan ng linggo, random na pipili ng mga panalo. Makukuha ng mga nanalong address ang interes na kinita ng pool at mababawi nila ang kanilang mga ticket. Mababawi ng mga hindi nanalong address ang mga ticket nila, at magsisimula ulit ang laro. Naka-automate ang lahat gamit ang mga smart contract, kaya hindi kailangang bumili ulit ng mga ticket ang mga player. Hangga't hindi sila magwi-withdraw, magiging bahagi sila ng mga lottery draw linggo-linggo.
Kadalasang tinutukoy ang PoolTogether bilang lottery na walang talo, at ngayon, nauunawaan na natin kung bakit – walang player na mawawalan ng mga pondo nila kahit kailan. Ang mga potensyal na disbentahe ng pagsali sa laro ay ang gastos sa pagkakataon na hindi magamit ang pera sa iba at ang bayarin sa transaksyon na kakailanganin mong sagutin.
Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Paano gamitin ang PoolTogether
2. Ikonekta ang iyong wallet. Kung Trust Wallet ang gagamitin mo, piliin ang opsyong WalletConnect.
3. Piliin ang pool kung saan mo gustong sumali (DAI, USDC, UNI, o COMP).

4. Mag-click sa Magdeposito, at ilagay ang dami ng ticket na gusto mong bilhin.

5. Kumpirmahin ang iyong pagbili. Kapag naisagawa na ang transaksyon sa blockchain, tapos ka na!
Gaya ng nabanggit, kapag nasa pool na ang mga ticket mo, wala ka nang ibang kailangang gawin. Awtomatikong magiging kwalipikadong manalo ang iyong mga ticket hanggang sa mag-withdraw ka. Kung mananalo ka, awtomatikong mako-convert sa mga ticket ang mga napanalunan mo, kaya lalaki ang tsansa mong manalo ulit.
Mahalagang tandaan na kapag bumili ka ng ticket, hindi ito kwalipikado sa kasalukuyang presyo, kwalipikado lang ito sa susunod. Ito ay para maiwasang masamantala ng mga player ang laro sa pamamagitan ng pagbili ng ticket bago mismo ang panahon ng pag-iipon ng interes.
Kapag nag-click ka sa isang pool, masusubaybayan mo ang kasalukuyang laki ng pool, ang tinantyang premyo, ang dami ng mga ticket, at iba pang kapaki-pakinabang na istatistika.



Governance token ng PoolTogether (POOL)
Noong Pebrero 2021, inilunsad ng PoolTogether ang native token nito na tinatawag na POOL. Ginawa ang token para lang mapamahalaan ang protocol ng PoolTogether, kaya isa itong governance token. Anumang pagbabago o update na gagawin sa protocol ay imumungkahi at pagbobotohan ng mga may-hawak ng POOL token.
- 14% sa lahat ng depositor hanggang Enero 14, 2021 (17,072 natatanging address).
- 12.44% sa mga naunang core team contributor (naka-lock nang isang taon).
- 7.52% sa mga mamumuhunan sa PoolTogether Inc (naka-lock nang isang taon).
- 5% sa isang 14 na linggong pamamahagi sa mga depositor sa PoolTogether (para makakuha ng mga POOL governance token ang mga bagong user).
- 2.5% sa pag-onboard at pagtuturo sa mga bagong user.
- 1% sa mga address na bumoto sa unang dalawang snapshot na pagboto sa pamamahala AT humawak ng deposito sa PoolTogether sa panahon ng pagboto.

Binubuo ng inisyal na pamamahagi ang 42.46% ng kabuuang supply. Kasalukuyang nasa POOL Token Treasury ang natitirang 57.54%, na gagamitin at ipapamahagi ayon sa mga mungkahi ng mga may-hawak ng token.
Paano i-claim ang iyong mga POOL airdrop token
Gaya ng kakakita lang natin, 14% ng kabuuang supply ng POOL ang ipinamahagi sa mga maagang depositor sa PoolTogether (kasama lahat ang tatlong bersyon ng protocol, ang V1, V2, at V3). 17,072 natatanging address sa kabuuan ang sakop ng airdrop na ito.
Puwedeng mag-claim ng mga POOL token ang sinumang user na nagdeposito sa PoolTogether hanggang noong Enero 14, 2021 (hatinggabi sa UTC). Depende ang dami sa halaga at tagal ng pagdeposito.
Sundin ang mga simpleng hakbang na ito para ma-claim ang iyong mga POOL token:
2. Mag-click sa Account.


4. Sa iyong wallet app, tingnan ang URL at i-click ang Ikonekta.


6. Basahin ang mga tagubilin at i-click ang Susunod.


7. Ilagay ang address kung saan mo gustong mag-claim ng mga token at i-click ang “Tingnan ang make-claim na balanse.”

8. Kumpirmahin ang transaksyon sa iyong wallet at hintayin ang mga kumpirmasyon ng network.
Tandaan na makakapag-claim ka ng mga token para sa mga address maliban sa nakakonektang address (hangga't kwalipikado ang mga ito). Sa madaling salita, puwede mong bayaran ang bayarin sa transaksyon ng pag-claim kung sakaling walang sapat na ETH ang isa sa iyong mga kwalipikadong address. Gayunpaman, ipapadala ang mga POOL token sa kaukulang kwalipikadong address at hindi sa address na nagke-claim.

9. Binabati ka namin! Matagumpay mong na-claim ang iyong mga POOL token.

Ang mga disbentahe ng paggamit ng PoolTogether
Pumapabor sa malalaking player
Posibleng isang argumento laban sa larong ito ay ayon sa istatistika, mas pinapayaman nito ang mayayaman. Ayon sa disenyo, ang isang player na bibili ng 1000 ticket ay laging magkakaroon ng mas malaking tsansang manalo kaysa sa player na 10 ticket lang ang bibilhin. Sa ganitong sitwasyon, sinasamantala ng “mas mayamang” player ang bentahe niya sa pamamagitan ng pagkita ng interes hindi lang sa pondo niya, pero pati na rin sa pondo ng “mas mahirap” na player. Dahil dito, mas maigi pa kung ang mga player na hindi nananalo kahit kailan ang mismong magpapadala ng mga pondo nila sa isang platform ng pagpapahiram.
Gayunpaman, mapapahusay ang mga mekanismo ng laro anumang oras batay sa mga mungkahi at boto ng mga may-hawak ng token. Halimbawa, 1 panalo lang bawat linggo ang itinampok ng maagang bersyon ng laro, pero bumoto ang komunidad para sa pagbabago, kaya ngayon, marami nang nananalo sa laro sa bawat pool.
Bayarin sa transaksyon
Isa pang isyu na kasalukuyang kinakaharap ng mga user ay ang mataas na presyo ng bayarin sa transaksyon. Kapag masyadong abala ang network ng Ethereum, tumataas nang sobra ang bayarin sa transaksyon. At lalo pang mas mataas ang mga ito kapag nagdedeposito o nagwi-withdraw sa PoolTogether dahil sa interaksyon ng maraming smart contract.
Mga smart contract
Mula Pebrero 2021, walang isyu sa seguridad sa PoolTogether. Ayon sa team, na-audit ng maraming hiwalay na kumpanya sa pag-audit ang smart contract na nagpapatakbo sa laro. Sa kabila nito, laging mahalagang isaalang-alang na bago-bago pa ang mga smart contract at pang-eksperimento ang teknolohiya nito na malamang na magkaroon ng mga bug at kahinaan.
Mga pangwakas na pananaw
Ang PoolTogether ay isang puno ng potensyal na maagang halimbawa ng puwedeng makamit sa pamamagitan ng bukas at hindi nangangailangan ng pahintulot na pampinansyal na sistemang pinapagana ng kapangyarihan ng blockchain. Ang ideya ng lottery kung saan kahit ang mga natalong player ay mababawi ang entry price nila ay isang bagong-bagong konsepto na hindi sana magkakaroon kung hindi dahil dito.