Pagsisimula sa Marketplace ng Binance NFT
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Marketplace ng Binance NFT?
Bakit naiiba ang Marketplace ng Binance NFT?
Bakit dapat gumawa ng NFT?
Bakit nangongolekta ng mga NFT ang mga tao?
Paano binabago ng mga NFT ang mundo?
Paano Gumawa ng Mga Sarili Mong NFT
Paano bumili ng NFT
Paano magbenta ng NFT
Ano ang Mystery box?
Ano ang Mga Event?
Mga pangwakas na pananaw
Pagsisimula sa Marketplace ng Binance NFT
Home
Mga Artikulo
Pagsisimula sa Marketplace ng Binance NFT

Pagsisimula sa Marketplace ng Binance NFT

Baguhan
Na-publish Jun 24, 2021Na-update Sep 1, 2022
9m

TL;DR

Ang Marketplace ng NFT sa Binance ay isang bagong platform para sa mga creator at kolektor para mag-mint at mag-trade ng mga NFT. Ang lahat ay puwede na ngayong gumawa ng mga non-fungible token at maranasan ang mga benepisyo ng mga natatangi at digital na karapatan sa pagmamay-ari. Ang kailangan lang ay ilang minuto ng oras mo, maliit na bayad, at isang bagay na sa palagay mo ay sulit i-mint.


Panimula

Isang bagay ang tiyak, ang kasikatan ng mga non-fungible token (NFT) at ang paggamit sa mga ito ay lumawak nang husto noong nakaraang taon. Sa unang pagkakataon, binigyang-pansin ng mga sikat na artist ang paksa, at napagtanto ng publiko na puwede rin silang sumali.

Inilunsad ng Binance ang bago nitong Marketplace ng NFT para tulungan ang malilikhaing tao na i-mint at ibenta ang kanilang mga artwork. Puwede ring mag-import ang mga kolektor ng mga token mula sa ibang palitan at i-resell ang mga iyon. 

Bago magkaroon ng mga NFT, walang direktang paraan noon ang mga content creator na patunayan ang pagiging tunay at pagmamay-ari sa digital na paraan. Ngayon, madali nang mapapatunayan ng mga kolektor at malilikhaing tao ang pagiging totoo ng kanilang token. Ito man ay unang pag-release ng kanta o bihirang card ng pag-trade sa sports, binago ng mga NFT ang paraan ng paghawak natin ng mga collectible na produkto.


Handa ka na bang sumubok ng mga NFT?


Ano ang Marketplace ng Binance NFT?

Ang Marketplace ng Binance NFT ay isang platform na nagbibigay-daan sa iyong mag-trade at gumawa ng mga non-fungible token. Puwede mong i-mint ang sarili mong mga NFT sa Binance Smart Chain at Ethereum at magpalipat-lipat sa dalawang blockchain. Hindi lang ito tungkol sa mga creator. Puwedeng bumili ang mga kolektor ng NFT mula sa inbuilt na marketplace nito sa isang fixed na presyo o sa pamamagitan ng mga auction.

Kapag ibinenta mo ang collectible sa marketplace, makakatanggap ang creator ng 1% bayad sa royalty. Pinoproseso ng Binance ang mga royalty na ito sa mga creator na nag-mint din ng kanilang mga NFT sa ibang platform. Makakatanggap din ang mga nagdedeposito ng 1% royalty sa tuwing bibilhin ng mga user ang kanilang mga nakadepositong NFT.


Bakit naiiba ang Marketplace ng Binance NFT?

Marami nang marketplace na nagbibigay-daan sa iyong i-mint ang sarili mong mga NFT. Gayunpaman, hindi magagawa ng bawat marketplace na kumonekta sa isang kasalukuyang komunidad na kasinlaki ng sa Binance. Ginagamit ng Marketplace ng Binance NFT ang ecosystem ng Binance. Hindi lang mga gawa ng mga user ang mayroon sa marketplace, mayroon din itong mga gawa ng mga sikat na artist. 

Pagdating sa pagbebenta at pag-auction ng iyong mga NFT, madali lang gamitin ang malaking user base ng Binance at makuha ang pinakamataas na presyo at halaga para sa iyong artwork. Maganda rin ang dati nang userbase na ito para sa liquidity at visibility ng iyong mga NFT.


Bakit dapat gumawa ng NFT?

Kung isa kang artist, musikero, o content creator, nagbibigay-daan sa iyo ang NFT na ibenta ang iyong mga gawa sa isang limitado at digital na format. Ang NFT ay natatangi at imposibleng i-duplicate, hindi tulad ng mga simpleng MP3 o JPEG. Bagama't may nauugnay na file ang iyong NFT na makokopya ng mga tao, ang NFT ay mas tungkol sa pagkatawan ng pagmamay-ari. Ang pagmamay-ari ng isang orihinal na painting ay hindi hamak na mas mahalaga kaysa sa isang kaparehong print. Sa madaling salita, nagbibigay-daan sa iyo ang mga NFT na gayahin ang konseptong ito sa isang digital na format.

Mayroon ding malaki at lumalagong merkado para sa mga NFT, kaya napakagandang paraan ito para sa pagbebenta ng mga gawa. Dumarami rin ang functionality ng mga ito, kung saan available ang mga opsyon sa mga royalty, karapatan sa magkatuwang na paglilipat, at koleksyon.

Sa kabuuan, nag-aalok ang mga NFT ng accessibility sa paggawa, pagbili, at pagbabahagi ng mga collectible. Pagkatapos magbayad ng makatwirang maliit na bayad sa pag-mint, available na ang iyong asset para ma-browse at mabili sa buong mundo.


Bakit nangongolekta ng mga NFT ang mga tao?

May ilang dahilan kung bakit nagkaroon ng napakalaking interes sa pagmamay-ari ng mga NFT. Una sa lahat, may elemento ito ng pagiging nakokolekta. Tulad ng mga stamp, card sa pag-trade, o vinyl record, ang pagiging limitado ng mga non-fungible token ay nakakapanghikayat sa mga kolektor. May mga musikero, artist, sports star, at malalaking brand na nagmi-mint ng mga NFT. Nagdaragdag na ngayon ang mga token na ito ng digital na anyo sa pagkolekta para sa mga tagahanga.

Interesado rin ang mga kolektor sa posibleng halaga ng mga NFT. Gumagastos ang ilang mamimili ng milyon-milyong dolyar sa mga bihirang NFT. Dahil sa mga presyong ito, nagkakainteres ang mga speculator sa buong mundo na gustong mamuhunan sa susunod na pinakamalaking collectible. Nagbibigay din ng mga benepisyo ang ilang NFT sa mga may-ari nito. Halimbawa, makakatulong ang isang NFT mula sa BakerySwap na palakihin ang kinikita mo mula sa pag-stake. Ang PancakeSwap ay may mga NFT na puwedeng i-trade para sa token na CAKE at puwede pang gamitin bilang mga ticket sa lotto.


Paano binabago ng mga NFT ang mundo?

Mahirap lutasin ang mga problema sa mga karapatan at pagmamay-ari pagdating sa digital na mundo. Paano mo mapapatunayang orihinal ang isang bagay kung madali lang para sa ating lahat na makopya at ma-paste ang content? Hanggang sa ngayon, wala gaanong magawa rito ang mga creator. 

Gayunpaman, nagbibigay ang mga NFT ng paraan ng pagpapakita ng nave-verify na digital na pagmamay-ari. Makikita natin kung sino talaga ang nagmamay-ari ng isang NFT at ang kasaysayan ng mga nakaraang pagbili nito. Sa unang pagkakataon, maibebenta ng mga artist ang kanilang mga gawa sa digital lang na anyo na may elemento ng pagiging nakokolekta. Hindi rin ganoon karami ang mga industriya kung saan mo maibebenta ang iyong artwork sa parehong lugar kung nasaan ang mga sikat na celebrity na tulad nila Aphex Twin o Grimes.


Paano Gumawa ng Mga Sarili Mong NFT

Isa sa mga pinakakapana-panabik na feature para sa mga creator sa marketplace ng Binance NFT ay ang pag-mint ng mga non-fungible token. Sa simula, iilang creator lang ang magkakaroon ng access sa feature na ito, pero malapit na itong maging bukas sa lahat ng user. Kahit na pinapayagan ka ng ibang platform na gumawa ng mga NFT, ang Binance ang pinakamalaking palitan ng crypto na nagpapahintulot sa iyo na mabilis na mai-mint ang mga non-fungible token.

Sa loob ng limang minuto, puwede mong mai-live at maihandang i-trade ang iyong mga collectible. Puwede mo ring ideposito at i-withdraw ang mga token sa isang tugmang wallet o isa pang palitan.

Paggawa ng account sa Binance at pagkuha ng ilang crypto

Bago ka magsimulang gumawa, bumili, o magbenta ng mga NFT sa Marketplace ng Binance NFT, kakailanganin mong magbukas ng account sa Binance. Kung mayroon ka nang account para sa pag-trade ng crypto sa Binance, hindi mo na kailangang magbukas ng panibago.

Kakailanganin mo rin ng ilang cryptocurrency (BNB o BUSD) kung gusto mong gumawa o bumili ng mga NFT. Para sa higit pang detalye sa kung paano magdagdag ng ilang crypto sa iyong Binance spot wallet, tingnan ang aming Gabay para sa Baguhan sa Binance.

Pag-mint ng NFT

Magsimula sa pag-click sa [Gumawa] mula sa homepage ng Marketplace ng Binance NFT.


Pagkatapos i-upload ang larawan, video, audio, o file na gusto mong gawing NFT, puwede mong simulang ilagay ang mga detalye ng iyong non-fungible token. Kasama rin sa impormasyong ito ang pagpiling i-mint ang isang NFT o koleksyon. Tiyaking mayroon kang sapat na BNB para sa bayad at i-click ang [Gumawa].

Nai-inspire Ka Ba ng Mga NFT?


Paano bumili ng NFT

Kapag nakakita ka na ng NFT na gusto mong bilhin, i-click ang pangalan nito para mapunta sa partikular na page nito. Makikita mo rito ang higit pang detalye tungkol sa NFT, kasama ang isang paglalarawan, uri ng pagbebenta, presyo, at iba pang mahahalagang impormasyon.

Kung pinili mo ang pagbebenta sa pamamagitan ng Auction, kakailanganin mong mag-bid. Ang user na may pinakamataas na bid sa pagtatapos ng auction ang makakakuha sa NFT. I-click ang [Mag-bid] para mapunta sa susunod na screen.


May lalabas dapat na pop-up kung saan mo mailalagay ang iyong bid. Dapat na mas mataas nang kahit man lang minimum na markup ang iyong bid kaysa sa nauna. Kapag masaya ka na sa halaga, i-click ang [Mag-bid] para kumpirmahin.


Para bumili ng item na may Fixed na Presyo, i-click ang button na [Bumili Ngayon] para bilhin kaagad ang NFT o subukang bilhin ang NFT sa mas mababang presyo sa pamamagitan ng button na [Gumawa ng Alok]. Puwedeng piliin ng nagbebenta na tanggapin o tanggihan ang alok na ginawa mo.


Paano magbenta ng NFT

Sa simula, magiging available lang ang feature na ito sa mga piling artist, pero mae-enable din ito sa lahat ng user sa lalong madaling panahon.

Kapag nakagawa ka na ng NFT, puwede mo itong i-store sa iyong koleksyon o simulan agad ang proseso ng paglilista. Puwede ka ring magbenta ng NFT na idineposito mo sa iyong account o binili mo. May dalawang posibleng opsyon sa pagbebenta ng iyong mga NFT: Auction o Fixed na Presyo. 

Para magbenta ng NFT, pumunta sa iyong [Mga Koleksyon] at i-click ang NFT na gusto mong ilista. I-click ang button na [Ilista ang NFT] para i-customize ang iyong pagbebenta.

Para sa pagbebenta sa pamamagitan ng Auction, piliin ang [Pinakamataas na Bid]. Sa field na [Minimum na Bid], puwede mong ilagay ang panimulang presyo para sa iyong paglilista. Kung gusto mo ng agarang pagbebenta nang walang pag-bid, piliin ang [Itakda ang Presyo]. 

Pagkatapos, makikita mo ang field na [Presyo] kung saan mo mapipili kung magkano mo gustong ibenta ang NFT. Nagbibigay-daan sa iyo ang dalawang opsyong ito na piliin kung anong cryptocurrency ang gusto mong matanggap bilang bayad.

Dapat ka ring pumili ng petsa ng pagtatapos para sa iyong pagbebenta. Ang petsang ito ay puwedeng maximum na 30 araw mula sa oras ng paglilista. Tiyaking maglagay ng tumpak na paglalarawan ng NFT, kasama ang anupamang benepisyo, katangian, o gamit na baka mayroon ito. Isiping mabuti kung nasaang kategorya ito, dahil tutulong ito sa mga mamimili na mahanap nang mas madali ang iyong paglilista.

Kapag masaya ka na sa mga tuntunin ng iyong paglilista, i-click ang [Isumite].


Susuriin ng team ng Binance ang iyong NFT para tiyaking natutugunan nito ang aming mga pamantayan bago mailista. Asahang tatagal ito nang humigit-kumulang 4-8 oras at makakatanggap ka ng email o SMS kapag nakumpleto na ito. Puwede kang pumili ng partikular na oras para maging live ang iyong paglilista (hindi bababa sa 12 oras pagkatapos mong isumite ang iyong kahilingan sa paglilista) o pahintulutan ang Binance na ilista kaagad ang iyong NFT pagkatapos maaprubahan. 

Kung lumampas ang oras ng pagkumpleto ng pagsusuri sa inaaasahan mong oras ng paglilista, ililista namin kaagad ang iyong NFT kapag natapos na namin ang aming pagsusuri.


Ano ang Mystery box?

Ang Mystery Box ay nagbibigay ng pagkakataong makatanggap ng random na NFT mula sa isang koleksyon. May iba't ibang antas ng pagiging bihira ang bawat NFT: normal (N), rare (R), super rare (SR), at super super rare (SSR). Kapag binili mo ang Mystery Box, hindi mo kailangang buksan ito kaagad. Puwede mo itong buksan kung kailan mo gusto o i-trade ito nang hindi binubuksan.


Ibinebenta ang Mystery Box sa isang fixed na presyo, kaya ang kailangan mo lang gawin ay piliin ang dami ng bibilhin. Sa ibaba ng paglalarawan ng item, makikita mo rin ang posibilidad ng iba't ibang NFT na puwede mong matanggap.


Kapag bumili ka ng Mystery Box, hindi na ito maibabalik. Gayunpaman, puwede mo itong ibenta sa pamamagitan ng paglilista nito sa Marketplace ng NFT.


Ano ang Mga Event?

Naglalaman ang kategoryang Mga Event sa Marketplace ng Binance NFT ng mga eksklusibo at premium na NFT na ginawa ng mga kilalang creator at brand. Ang mga alok na ito ay mula sa mga digital na artist, musikero, at kahit mga atleta at celebrity. Puwede mong i-access ang page na [Mga Event] mula sa homepage, kung saan maililista ang event sa banner ng homepage.


Gusto mo bang gumawa ng obrang NFT?


Mga pangwakas na pananaw

May napakagandang oportunidad ngayon para sa sinumang interesado sa mga NFT na magsimulang sumali. Sa loob ng mahabang panahon, naging hamon ang pagpili ng tamang platform o marketplace na gagamitin. Hati-hati ang buong ecosystem at posibleng mahirap itong i-navigate para sa mga baguhan. Ngayong nag-aalok na ang Binance ng sarili nitong Marketplace ng NFT, mas simple na para sa malilikhaing tao at kolektor na manatili sa isang pinagkakatiwalaan at kilalang player sa larangan ng crypto. Magandang panahon ito para sa mga artist na maipamahagi ang kanilang mga gawa sa isang collectible at digital na anyo.