CoolWallet S – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022
Home
Mga Artikulo
CoolWallet S – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022

CoolWallet S – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022

Baguhan
Na-publish Mar 11, 2020Na-update Apr 21, 2023
3m

Mga Nilalaman


Mga detalye ng CoolWallet S

Mga Dimensyon (cm)

8.5 x 5.4 x 0.08

Timbang

5 g

Screen

E-ink

Input

Isang button

Koneksyon

USB, Bluetooth

Baterya

15mAh lithium-ion

Compatibility

iOS at Android

Mga sinusuportahang coin at token

~1200+

GitHub

https://github.com/CoolBitX-Technology/



Ano ang nasa kahon?

  • >CoolWallet S
  • USB charger na may cable
  • Recovery card


Pangkalahatang-ideya ng CoolWallet S

Dahil sa form factor, isang natatanging opsyon ang CoolWallet S sa merkado ng hardware wallet. Gayunpaman, posibleng medyo nakakailang na gamitin ang e-ink display at ang button, at madaling madiskonekta ang charging dock. Puwede itong maging mahirap lalo na kapag mas matagal ang pag-update ng firmware.

Inaabot nang humigit-kumulang 2 oras bago ma-full charge ang CoolWallet S, at dapat tumagal nang hanggang 2 taon ang baterya, ayon sa CoolbitX. 3 buwan ang tagal ng pag-stand by, pero ipinapayo nilang i-charge mo ang device kahit isang beses bawat buwan.

Posibleng mas matagal ang inisyal na pag-set up kaysa sa iba pang crypto hardware wallet. Bagama't puwedeng i-adjust ang haba ng seed, medyo hindi pangkaraniwan ang proseso ng pag-verify ng seed at posibleng kumplikado ito para sa mga baguhan.

Puwede mong pamahalaan ang iyong mga coin sa CoolWallet S gamit ang CoolbitX app. Bagama't may pagkasimple ito, ibinibigay nito ang lahat ng pangunahing functionality, gaya ng paglilipat ng mga asset at pagtingin ng mga balanse. Mayroon ding native na integration sa Changelly at Binance DEX ang CoolBitX app, na nagbibigay-daan sa iyong maipapalit ang mga asset mo mula mismo sa iyong wallet. Tuloy-tuloy na gumana ang koneksyon ng Bluetooth sa app sa kabuuan ng aming pagsubok.



Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!



Mga bentahe at kahinaan ng CoolWallet S

Mga Bentahe

  • Puwede itong i-set up at gamitin gamit ang smartphone o tablet.
  • Napaka-portable.
  • Waterproof nang hanggang 1 oras.

Mga Kahinaan

  • Bagama't sumusuporta ang Coolwallet S sa maraming token, hindi ito sumusuporta sa maraming indibidwal na blockchain hindi tulad ng ilan sa mga kakumpitensya nito.
  • Posibleng maging medyo kumplikado ang proseso ng pag-set up.
  • Kapag inihambing sa iba pang crypto wallet, mayroon pang mga puwedeng pagandahin pagdating sa karanasan ng user.


Presyo ng CoolWallet S

Mula noong Enero 2020, ipinagbibili ang CoolWallet S sa halagang $99. 

Ipinapayong laging bumili ng mga hardware wallet mula mismo sa manufacturer. Sa pagbili ng mga segunda manong hardware wallet, may panganib na makompromiso ang mga pribadong key. 


Mga pangwakas na pananaw

Nakaisip ang CoolbitX ng makabagong disenyo para sa hardware wallet. Dahil kahugis ng karaniwang credit card ang CoolWallet S, puwede mo itong dalhin nang nakalagay sa regular na cash wallet.

Bilang buod, posibleng maging mainam na opsyon ang CoolWallet S para sa mga gustong sumubok ng bago sa hardware wallet space.