Mga Nilalaman
- Panimula
- Ano ang mga options contract?
- Ano ang American Options?
- Saan ginagamit ang mga options contract?
- Mga bagay na dapat malaman bago mag-trade sa Binance Options
- Paano mag-trade ng mga options contract sa Binance mobile app
- Mga pangwakas na pananaw
Panimula
Ano ang mga options contract?
Ang mga options contract ay isang uri ng produktong derivative na nagbibigay sa iyo ng karapatan, pero hindi ng obligasyong bumili o magbenta ng asset sa isang partikular na presyo.
Sa madaling salita, nagbibigay sa iyo ang call option ng karapatan, pero hindi ng obligasyong bilhin ang pinagbabatayang asset sa isang partikular na presyo. Nagbibigay sa iyo ang put option ng karapatan, pero hindi ng obligasyong ibenta ang pinagbabatayang asset sa isang partikular na presyo.
Ano ang American Options?
Sa Binance, puwede kang mag-trade ng tinatawag na American Options. Ibig sabihin nito, puwede mong i-exercise ang iyong option anumang oras bago ang petsa ng pag-expire.
Isa pang sikat na istilo ng mga options contract ang tinatawag na European Options. Puwede lang i-exercise ang mga ito sa mismong araw ng pag-expire, o sa loob ng maikling panahon mula sa petsa ng pag-expire.
Saan ginagamit ang mga options contract?
Ngayon, medyo nauunawaan mo na kung ano ang mga options contract. Gayunpaman, puwedeng maging napakakumplikado ng paggamit sa mga ito. Siguraduhing naiintindihan mo ang mga implikasyon ng pagkilos mo bago ka sumabak sa pag-trade ng mga ito. Posibleng mainam na magsimula sa maliliit na halaga para subukan ang kalakaran.
Mga bagay na dapat malaman bago mag-trade sa Binance Options
Tandaang walang order book sa Binance Options. Kung bibili ka ng option, mananatili itong valid hanggang sa i-exercise mo ito anumang oras bago ang petsa ng pag-expire, o kapag nag-expire ang option.
Talakayin natin ang ilan sa mga pinakapangunahing konseptong kailangan mong maunawaan bago ka mag-trade:
- Premium – Ito ang babayaran mo para mabili ang options contract. Ibabawas ito sa iyong Balanse sa Wallet sa Binance Futures.
- Petsa ng Pag-expire – Ang tagal ng panahon hanggang sa mag-expire ang option. Puwede kang pumili sa 10 minuto, 30 minuto, 1 oras, 8 oras, at 1 araw na options. Kaya kung bibili ka ng 30 minutong option, magkakaroon ka ng 30 minutong palugit para i-exercise ito. Kung mag-e-expire ito, ang mawawala lang sa iyo ay ang binayaran mong Premium.
- Strike Price – Ang presyo kung saan mo binili ang option.
- Close Price – Ang presyo kung saan mo na-exercise ang option. Kilala rin ito bilang Settlement Price.
Paano mag-trade ng mga options contract sa Binance mobile app
1. I-download ang Binance app
2. I-activate ang iyong Futures account
3. Simulang mag-trade ng mga options contract
Pumunta sa tab na Mga Trade, at mag-click sa Options sa itaas.
Siguraduhing mayroon kang mga pondo sa iyong Futures Wallet. Kung wala, mag-click sa icon na arrow sa kanang bahagi sa itaas para maglipat ng mga pondo mula sa iyong Exchange Wallet papunta sa Futures Wallet mo.
Puwede kang pumili sa mga opsyong may 10 minuto, 30 minuto, 1 oras, 8 oras, at 1 araw na pag-expire. Piliin kung alin ang gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, bibili tayo ng 1 oras na call option, kaya inaasahan nating tumaas ang presyo sa loob ng susunod na oras.
Susunod, tukuyin ang laki ng kontrata sa field na Dami.
Tandaan na tinutukoy mo ito sa pinagbabatayang asset ng kontrata, na sa sitwasyong ito ay BTC. Gayunpaman, sa USDT mo babayaran ang Premium.
Kapag handa ka na, mag-click sa Bilhin ang Call.
Susunod, may makikita kang window ng kumpirmasyon. Kung mukhang maayos ang lahat, mag-click sa Kumpirmahin.
4. Pagsubaybay at pagsasara ng mga posisyon
Puwede mong subaybayan ang iyong mga bukas na posisyon sa tab na Mga Posisyon. Sa mga natalakay natin kanina, puwede mong tingnan kung gaano katagal ang natitira bago mag-expire ang option, at ang isang kasalukuyang pagtatantya sa iyong unrealized PnL (profit and loss o kita at pagkalugi).
Kung gusto mong isara ang posisyon (i-exercise ang option), mag-click sa I-settle sa kanang bahagi ng tab na Mga Posisyon.
Ie-exercise ang option kapag nag-click ka sa Kumpirmahin.
Puwede mong tingnan ang iyong mga dating trade ng options sa tab na Kasaysayan.