Gabay sa Binance Options para sa iOS at Android
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Ano ang mga options contract?
Ano ang American Options?
Saan ginagamit ang mga options contract?
Mga bagay na dapat malaman bago mag-trade sa Binance Options
Paano mag-trade ng mga options contract sa Binance mobile app
Mga pangwakas na pananaw
Gabay sa Binance Options para sa iOS at Android
HomeMga Artikulo
Gabay sa Binance Options para sa iOS at Android

Gabay sa Binance Options para sa iOS at Android

Baguhan
Published Apr 29, 2020Updated Sep 29, 2021
5m

Mga Nilalaman


Panimula

Nasasabik ang Binance na ihatid sa iyo ang pinakamaraming iba't ibang produktong magagamit mo para lumahok sa rebolusyon sa crypto. Makakapagpasya kang mag-trade sa spot exchangemargin, o Binance DEX. Kung naghahanap ka ng mas marami pang passive na paraan para dumami ang mga hawak mo, puwede mo ring ipahiram ang iyong mga asset gamit ang Binance Savingsi-stake ang iyong crypto, at marami pang iba.
Pagdating sa mga derivative, puwede kang mag-trade sa Binance Futures. Pero ngayon, puwede ka na ring mag-trade ng options! Gagabayan ka ng artikulong ito sa kung paano ka makakapag-trade ng options sa aming mobile app, na available para sa mga iOS at Android device.
Tatalakayin natin nang mabilisan kung ano ang mga options contract at kung paano gumagana ang mga iyon. Pero kung gusto mo muna ng mas detalyadong talakayan tungkol sa mga iyon, tingnan ang Ano ang Mga Options Contract?.


Ano ang mga options contract?

Ang mga options contract ay isang uri ng produktong derivative na nagbibigay sa iyo ng karapatan, pero hindi ng obligasyong bumili o magbenta ng asset sa isang partikular na presyo.

Kapag bumibili ka ng options contract, gumagawa ka ng ispekulasyon tungkol sa pagpunta ng presyo sa isang direksyon. May dalawang uri ng mga options contract: ang mga call option at mga put option. Sa sitwasyon ng call option, inaasahan mong tumaas ang presyo. Habang sa sitwasyon ng put option, inaasahan mong bumaba ang presyo.

Sa madaling salita, nagbibigay sa iyo ang call option ng karapatan, pero hindi ng obligasyong bilhin ang pinagbabatayang asset sa isang partikular na presyo. Nagbibigay sa iyo ang put option ng karapatan, pero hindi ng obligasyong ibenta ang pinagbabatayang asset sa isang partikular na presyo.


Ano ang American Options?

Sa Binance, puwede kang mag-trade ng tinatawag na American Options. Ibig sabihin nito, puwede mong i-exercise ang iyong option anumang oras bago ang petsa ng pag-expire.

Isa pang sikat na istilo ng mga options contract ang tinatawag na European Options. Puwede lang i-exercise ang mga ito sa mismong araw ng pag-expire, o sa loob ng maikling panahon mula sa petsa ng pag-expire.


Saan ginagamit ang mga options contract?

Puwedeng gamitin ang options para sa ispekulasyon pero mas karaniwang ginagamit ang mga ito para sa pag-hedge, na isang diskarte sa pamamahala ng panganib. Kapag naghe-hedge ang mga trader o mamumuhunan, sinusubukan nilang protektahan ang kanilang pamumuhunan mula sa mga pangyayaring posibleng magkaroon ng negatibong epekto rito.
Sa mga merkado ng cryptocurrency, puwedeng maging kapaki-pakinabang ang options para sa mga minero para ma-hedge nila ang mga hawak  nilang cryptocurrency. Paano iyon gumagana? Halimbawa, puwede silang bumili ng mga put option. Sa ganitong paraan, kung bababa ang halaga ng mga hawak nila, kikita pa rin sila sa kanilang mga put option at mababawasan nila ang ilan sa kanilang mga pagkalugi.

Ngayon, medyo nauunawaan mo na kung ano ang mga options contract. Gayunpaman, puwedeng maging napakakumplikado ng paggamit sa mga ito. Siguraduhing naiintindihan mo ang mga implikasyon ng pagkilos mo bago ka sumabak sa pag-trade ng mga ito. Posibleng mainam na magsimula sa maliliit na halaga para subukan ang kalakaran.


Mga bagay na dapat malaman bago mag-trade sa Binance Options

Mahalagang tandaan bago ka magsimula nanauugnay sa iyong Binance Futures account ang aktibidad mo sa pag-trade ng options. Ibig sabihin nito, puwedeng makaapekto sa iyong mga posisyon sa futures kung ano ang gagawin mo sa mga options contract. Dagdagan ang pag-iingat kapag nagte-trade ng options para maiwasan ang mga hindi sinasadyang kahihinatnan ng iyong mga posisyon sa futures.

Tandaang walang order book sa Binance Options. Kung bibili ka ng option, mananatili itong valid hanggang sa i-exercise mo ito anumang oras bago ang petsa ng pag-expire, o kapag nag-expire ang option.

Talakayin natin ang ilan sa mga pinakapangunahing konseptong kailangan mong maunawaan bago ka mag-trade:

  • Premium – Ito ang babayaran mo para mabili ang options contract. Ibabawas ito sa iyong Balanse sa Wallet sa Binance Futures.
  • Petsa ng Pag-expire – Ang tagal ng panahon hanggang sa mag-expire ang option. Puwede kang pumili sa 10 minuto, 30 minuto, 1 oras, 8 oras, at 1 araw na options. Kaya kung bibili ka ng 30 minutong option, magkakaroon ka ng 30 minutong palugit para i-exercise ito. Kung mag-e-expire ito, ang mawawala lang sa iyo ay ang binayaran mong Premium.
  • Strike Price – Ang presyo kung saan mo binili ang option.
  • Close Price – Ang presyo kung saan mo na-exercise ang option. Kilala rin ito bilang Settlement Price.


Paano mag-trade ng mga options contract sa Binance mobile app

1. I-download ang Binance app

Kung hindi mo pa nagagawa, i-download ang Binance mobile app mula sa page na ito. Available ang options trading para sa iOS at Android.
Mag-log in sa iyong account sa Binance sa app. Kung wala kang account, magrehistro para makagawa nito sa loob lang ng ilang minuto.

2. I-activate ang iyong Futures account

Nauugnay sa iyong account sa Binance Futures ang account mo sa Binance Options. Kaya kung wala kang Futures account, i-activate ito, at handa ka nang mag-trade ng options!

3. Simulang mag-trade ng mga options contract

Pumunta sa tab na Mga Trade, at mag-click sa Options sa itaas.



Siguraduhing mayroon kang mga pondo sa iyong Futures Wallet. Kung wala, mag-click sa icon na arrow sa kanang bahagi sa itaas para maglipat ng mga pondo mula sa iyong Exchange Wallet papunta sa Futures Wallet mo.

Puwede kang pumili sa mga opsyong may 10 minuto, 30 minuto, 1 oras, 8 oras, at 1 araw na pag-expire. Piliin kung alin ang gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, bibili tayo ng 1 oras na call option, kaya inaasahan nating tumaas ang presyo sa loob ng susunod na oras.

Susunod, tukuyin ang laki ng kontrata sa field na Dami. 



Tandaan na tinutukoy mo ito sa pinagbabatayang asset ng kontrata, na sa sitwasyong ito ay BTC. Gayunpaman, sa USDT mo babayaran ang Premium. 

Kapag handa ka na, mag-click sa Bilhin ang Call.



Susunod, may makikita kang window ng kumpirmasyon. Kung mukhang maayos ang lahat, mag-click sa Kumpirmahin.

Ano'ng nangyayari dito? Bumibili tayo ng 1 oras na call option para sa BTCUSDT na may daming 0.1 BTC sa presyong 7069.75. Ibabawas ang Premium na 2.18 USDT sa ating Futures wallet. Kung tataas at aabot sa 7091.58 ang presyo ng Bitcoin,  magbe-break even tayo.

4. Pagsubaybay at pagsasara ng mga posisyon

Puwede mong subaybayan ang iyong mga bukas na posisyon sa tab na Mga Posisyon. Sa mga natalakay natin kanina, puwede mong tingnan kung gaano katagal ang natitira bago mag-expire ang option, at ang isang kasalukuyang pagtatantya sa iyong unrealized PnL (profit and loss o kita at pagkalugi).



Kung gusto mong isara ang posisyon (i-exercise ang option), mag-click sa I-settle sa kanang bahagi ng tab na Mga Posisyon. 



Ie-exercise ang option kapag nag-click ka sa Kumpirmahin.

Puwede mong tingnan ang iyong mga dating trade ng options sa tab na Kasaysayan.



Mga pangwakas na pananaw

Ang mga options contract ay mga derivative na nagbibigay sa mga trader ng opsyong bumili o magbenta ng asset sa hinaharap, magkano man ang market price. Pero hindi tulad ng mga Futures contract, may opsyon ang mga trader na huwag i-exercise ang mga kontrata.
Bagama't magagamit ang mga ito para sa speculative na pag-trade, puwedeng maging partikular na kapaki-pakinabang ang mga kontrata sa Binance Options sa mga diskarte sa pamamahala ng panganib, gaya ng pag-hedge. Gayunpaman, posibleng nakakalito ang mga options contract para sa mga trader na wala pang karanasan, kaya mahalagang maintindihan ang mekanismo ng mga ito bago sumuong sa mga pinansyal na panganib.