TL;DR
Talagang naging isang mahalagang taon ang 2021 para sa paggamit ng crypto. Naibalita sa mainstream ang mga teknolohiya gaya ng mga NFT at metaverse, at lumawak ang paggamit sa blockchain. Pagdating sa regulasyon, saksi ang taong ito sa mga kuwento ng pag-uusig at pagtanggap.
Tinanggap ng El Salvador ang Bitcoin bilang isang legal tender. Sa US, pinayagan ng SEC ang mga unang Bitcoin ETF na mailista sa Chicago Mercantile Exchange. Inilunsad din ng Canada ang sarili nitong mga Bitcoin ETF, na isang mahalagang bahagi ng institusyunal na paggamit ng mga investor.
Nakaranas ang mga NFT ng malalaking tagumpay ngayong taon dahil sa napakatataas na sales at exposure. Kung isa lang itong maliit na crypto niche noong mga nakaraang taon, ngayon ay isa na itong paksa na palaging pinag-uusapan. Inilunsad ng Binance ang sarili nitong NFT platform para matugunan ang pangangailangan, at parami na nang parami sa mga Fortune 500 company ang gumagamit at namumuhunan sa mga NFT.
May tungkulin din ang mga NFT sa metaverse, isa pa sa pinakamaiinit na paksa ng 2021. Sabay na gumagawa ang mga tech giant at maliliit na developer ng isang konektado at 3D na daigdig kung saan crypto ang nagpapagana ng ekonomiya. Kaugnay rin ng trend ang Web3, ang konsepto ng decentralization na magpapagana ng ating mga interaksyon sa internet sa hinaharap. Ngayong taon, nagpakita ng suporta ang malalaking capital investment firm para sa paggamit ng blockchain sa ating mga online na transaksyon, data, privacy, at mga pinansya.
Nagsimula rin ang Mga Fan Token sa Binance sa mga sports club gaya ng FC Porto at S.S. Lazio. Lumampas sa subscription ang karamihan sa mga benta sa 2021, at na-enjoy ng mga user ang mga bagong benepisyo para sa fan na nakabatay sa blockchain.
Sa pagtatapos ng taon, naabot ng Bitcoin ang bagong ATH (all-time high) na halos $70,000 noong Nobyembre.
Panimula
Hindi kailanman naging boring ang taon pagdating sa mundo ng cryptocurrency. Mula sa pagpukaw ng mga NFT sa imahinasyon ng mga creator hanggang sa mga bagong all-time high ng Bitcoin, nasa 2021 na ang lahat. Kaya bagama't parang naghahanda na ang lahat na sumali sa metaverse na pinapagana ng blockchain, huwag nating kalimutan ang lahat ng iba pang naganap ngayong taon.
Regulasyon sa cryptocurrency
El Salvador
Para sa El Salvador, Bitcoin ang paraan para mabawasan ang bayaring binabayaran ng mga mamamayan dito para sa mga remittance, na isang malaking bahagi ng ekonomiya dahil maraming pamilya ang tumatanggap ng pera mula sa ibang bansa. Marami ring mga taga-El Salvador ang walang access sa mga pinansyal na serbisyo, at ang blockchain ang isang posibleng solusyon para matulungan ang mga walang bank account. Sa buong mundo, may ilang nagkokomento mula sa labas ng bansa na nagsasabing paraan ito ng El Salvador na i-rebrand ang sarili. Nagkaroon ng hindi magandang reputasyon ang bansa kaugnay ng mga kriminal na gang at underground na ekonomiya.
Ang Estados Unidos
Mga Bitcoin ETF
Pinapaboran ng SEC ang mga futures ETF na nakabatay sa dati nang Bitcoin futures ng Chicago Mercantile Exchange (CME). Mahigpit na nireregularisa ang mga derivative na ito sa loob ng USA, na nagbigay-daan para makasakay sa mga ito ang ETF. Ngayon, may tatlo nang US-based ETF option, at may posibilidad sa hinaharap na magkaroon ng mga pondong pisikal na sinusuportahan.
Mga non-fungible token (NFT)
Mahirap patunayan ang originality, pero binigyang-daan ng blockchain ang paggawa ng isang paraan para makapag-verify ng digital rarity. Nilutas nito ang "copy-paste" na problema na mayroon tayo sa pagpapatunay ng pagiging totoo ng mga digital asset at file. Sa dami ng puwedeng paggamitan, nag-eeksperimento ang mga developer sa mga NFT sa iba't ibang industriya, at makakaasa tayong magkakaroon ng malalaking balita pagsapit ng 2022 at sa hinaharap.
Ang metaverse
Web3
Layunin ng Web3 na gamitin ang decentralization bilang batayan ng mga bagong pag-unlad sa internet. Pero paano ito naiiba sa metaverse? Well, gusto ng metaverse na lumikha ng isang 3D at konektadong mundo. Mas pinagtutuunan naman ng web3 ang paggamit natin ng internet sa kasalukuyan nitong anyo para kontrolin ang ating pagkakakilanlan, personal na impormasyon, at mga interaksyon. Gagamit din ang mga website at application ng big data sa mga kapaki-pakinabang na paraan para mapaganda ang online na karanasan.
Mga Fan Token sa Binance
Bagama't naging mahalaga ang taong 2021 para sa Mga Fan Token sa Binance, hindi rito nagsimula ang kuwento. May mga fan token na simula pa noong huling bahagi ng 2019, noong inilunsad ang JUV token ng Juventus. Sa pamamagitan ng mga token na ito, nagawa ng mga may hawak nito na makipag-ugnayan sa mga paborito nilang team at makapag-claim ng mga natatanging benepisyo ng fan token.
Mga all-time high sa merkado ng cryptocurrency at Bitcoin
Pagkatapos ng malakas na rally noong 2020, nalampasan ulit ng Bitcoin ang all-time high ng nakaraang taon sa tatlong peak noong 2021. Tingnan natin ang chart.
Ipinapakita ng Point 1 ang dulo ng rally noong 2020 na nagpatuloy hanggang Enero 2021, na may peak na humigit-kumulang $41,000. Pagkalipas ng bahagyang takot na pumasok sa isang bear market pagkatapos ng isang correction, patuloy na umangat ang Bitcoin at nakaabot ng $63,000 sa kalagitnaan hanggang Abril (Point 2). Noong Hunyo, nagkaroon ng masamang balita ang merkado para sa crypto, na humantong sa pag-offline ng humigit-kumulang kalahati ng kabuuang mining power ng Bitcoin sa loob ng ilang araw.
Cryptocurrency | All-Time High (tinatayang halaga sa USD) |
BNB | $686 |
Ethereum (ETH) | $4,878 |
Solana (SOL) | $260 |
DOGE | $0.7316 |
Cardano (ADA) | $3.09 |
Mga pangwakas na pananaw
Sa kabuuan, ang naging tema ng 2021 ay ang pagtanggap sa mga bagong paggamit sa blockchain gaya ng mga NFT at metaverse. Sa ngayon, mas nagiging pamilyar na ang mundo sa mga cryptocurrency gaya ng Bitcoin, mining industry, at pag-trade ng cryptocurrency. Kaya naman partikular na naging kapana-panabik ang 2021, dahil hindi na lang pagtaas ng mga presyo ang iniuulat ng mga pahayagan sa buong mundo pagdating sa crypto. Marami sa mga trend na pinag-usapan natin ay nakahanda na para sa 2022, kaya naman marami tayong dahilan para maging excited sa darating na 12 buwan.