Panimula
Napakaraming paraan para sa pag-hack at pag-iwas sa authentication ng password, kaya mahalaga ang two-factor authentication sa seguridad ng iyong account.
Ano ang 2FA?
Ang 2FA o two-factor authentication ay kapag pinrotektahan mo ang iyong account gamit ang dalawang factor o lock, na gumagawa ng karagdagang layer ng seguridad. Sa ganitong konteksto, nahahati ang isang factor sa tatlong magkakaibang kategorya:
- Kaalaman ng user (hal., password)
- Isang bagay na pagmamay-ari ng user (hal., telepono)
- Mga katangiang pang-biometrics (hal., fingerprint)
Para maprotektahan ito nang maayos ng 2FA, ang iyong account ay dapat humingi ng kahit 2 lock bago magbigay ng access. Nag-aalok ang Binance ng iba't ibang paraan ng pag-verify gamit ang 2FA:
- Security Key (hal., YubiKey)
- Binance Authenticator
- Google Authenticator
- Mobile phone (SMS)
Paano mag-set up ng SMS at Google authenticator sa Binance
SMS Authentication
Kapag gumagawa ka ng account, ibinibigay mo ang numero ng iyong mobile phone. Sa tuwing gusto mong mag-log in, magpapadala sa iyo ang serbisyo ng SMS message na may code sa pag-verify na mag-e-expire pagkalipas ng isang partikular na tagal ng panahon. Kailangan mong ilagay ang numerong iyon para makapag-log in ka.
BENTAHE | KAHINAAN |
Maginhawa at madaling gamitin | Puwedeng i-spoof ang mga numero ng mobile phone |
Hindi ito nangangailangan ng karagdagang application | Nangangailangan ng cellular signal |
Pag-set up ng SMS Authentication
1. Mag-navigate sa page ng iyong account at i-click ang i-enable sa opsyong SMS Authentication.

2. Kakailanganin mo ngayong ilagay ang numero ng iyong mobile phone at i-click ang [Magpadala ng SMS].

3. Kapag natanggap mo na ang SMS, ilagay ang iyong SMS Authentication Code sa field at i-click ang Isumite.

Google Authentication
Pagkatapos i-set up ang Google Authentication, may itatalaga sa iyong backup key (sikretong key). Pagkatapos, bubuo ang App ng mga one-time password (OTP) nang may regular na agwat, gamit ang sikretong key bilang seed. Kinakailangan ang mga one-time password na iyon para makapag-log in.
BENTAHE | KAHINAAN |
Malakas na pag-encrypt | Kapag nawala ang iyong device, mawawalan ka ng access sa iyong account (maliban kung may backup key ka) |
Hindi ito nangangailangan ng cellular signal o wifi | Nangangailangan ng pag-install ng mga karagdagang application |
Pag-set up ng Google Authentication
1. Para magsimula, i-click ang i-enable sa page ng iyong account.

2. Susunod, kakailanganin mong i-download ang Google Authentication App. Madaling makikita ang mga link sa screen na ito. Kapag na-install na ang application, magpatuloy sa susunod na hakbang.

3. I-scan ang QR Code. Buksan ang Google Authenticator App sa iyong mobile device at i-click ang “Mag-scan ng barcode” o “Maglagay ng ibinigay na key” kung hindi mo magamit ang camera ng iyong device.
Kapag na-scan mo na ang QR code sa Google Authenticator App, puwede kang magpatuloy sa susunod na hakbang.

4. Backup Key. Isulat ang backup key na ito sa isang piraso ng papel at panatilihin itong ligtas. Magagamit ito sa hinaharap para i-reset ang iyong Google Authenticator kung mawala mo ang iyong mobile device.
5. I-enable ang Google Authentication. Kumpirmahin ang iyong password at Google authenticator code at mag-click sa [I-enable ang Google Authentication].