TL;DR:
Layunin ng Binance Bridge Project na dagdagan ang interoperability sa pagitan ng iba't ibang mga blockchain. Hinahayaan nito ang sinuman na i-convert ang kanilang mga crypto asset sa (at pabalik mula sa) Binance Chain at Binance Smart Chain wrapped token.
Bakit ito magiging kapaki-pakinabang? Sa ganon, sa ganitong paraan, puwede mong gamitin ang iyong BTC, ETH, USDT, o iba pang mga asset sa Binance Smart Chain (BSC) DApps. Ikaw ba ay nag-HODL ng BTC ngunit nais mong kumita sa pinakabagong oportunidad sa yield farming ng BSC? Wag mag-alala, mapapanatili mo ang exposure sa iyong Bitcoin habang nakikilahok pa rin sa DeFi sa Binance Smart Chain.
Panimula
Sa kasalukuyan, mayroong kaunting isyu sa mundo ng crypto. Hindi nagkakausap ang iba`t ibang mga blockchain sa isa't-isa. Kung gumawa ka ng isang transaksyon sa Bitcoin, ang pangyayaring ito ay hindi malalaman nang Ethereum blockchain. Kung mag-zoom out kami nang kaunti at tingnan ang hinaharap, ang problemang ito ay malulutas kahit papaano sa bagong teknolohiya. Gayunpaman, ang isang mas mabilis na solusyon na magagamit na ngayon ay ang mga wrapped coin at token.
Ano ang Binance Bridge Project?
Paano gumagana ang Binance Bridge Project?
Ang pag-wrapp ng isang coin o token sa bersyon ng Binance Chain ay talagang prangka. Gamit ang serbisyong Binance Bridge , puwede kang mag-convert ng mga cryptoasset sa pagitan ng katutubong blockchain at Binance Chain/Binance Smart Chain. Halimbawa, kung ililipat mo ang USDT mula sa Ethereum patungo sa Binance Smart Chain, ang Binance Bridge ay susuporta sa cross-chain conversion ng Ethereum ERC-20 sa Binance BEP-2 o BEP-20. Mahalagang tandaan na ang mga wrapped coin ay sinusuportahan ng mga tunay na coin at token sa mga pampublikong address.
Kapag naitakda mo na ang mga parameter, ang oras ng conversion ay medyo maikli, at dapat tumagal ng ilang minuto upang maisakatuparan ang isang cross-chain conversion. Ito, syempre, nakasalalay sa mga oras ng kumpirmasyon ng blockchain network. Ano ang eksaktong kahulugan nito? Kaya, depende sa blockchain na sinusubukan mong mai-convert, ang proseso ay puwedeng tumagal nang higit pa sa mga oras ng congestion at mataas na aktibidad.
Tungkol naman sa mga bayad kung ikaw ay nababahala,ang Binance Bridge ay naniningil ng mga walang bayad sa pag-convet. Kakailanganin mo lang na magbayad ng mga bayarin sa transaksyon sa network sa mga blockchain na kung saanka nag-convert.
Kailangan mo ba ng Binance account upang magamit ang Binance Bridge? Hindi. Ang interface ng Binance Bridge ay bukas sa anumang address nang hindi na kailangang magrehistro ng Binance account.
Sa kabilang banda, kung mayroon kang Binance account, ang mga deposito at pag-withdraw ay bukas para sa bilang ng mga asset ng BEP-2 at BEP-20. Sa ganitong paraan, hindi ka dapat mag-alala tungkol sa iyong mga asset, at puwede mong iimbak, i-trade, at ilipat ang mga ito tulad ng ilan pang token.
Ano ang “Peg-in” at “ Peg-out”?
Ang “Peg-in” ay pinapayagan ka ng tampok naito na mag-convert mula sa katutubong mga blockchain sa mga token ng Binance Chain/Binance Smart Chain. Sa kabaligtaran,ang “Peg-out” ay nangangahulugang ng pag-convert mula sa mga token ng Binance Chain/Binance Smart Chain sa mga katutubong token ng blockchain.
Kapag nakumpleto ang transaksyon, ila-lock ng Binance Bridge ang mga token, at kumpleto na ang peg sa Binance Smart Chain. Ito ang oras na puwede mo ng simulang gamitin ang iyong mga naka-peg na token.
Pangwakas na mga ideya
Ang Binance Bridge Project ay isang mahalagang tool para sa pagtaas ng cross-compatibility sa mundo ng blockchain. Kahit sino ay puwedeng mag-peg ng mga coin at token na gagamitin sa Binance Chain/Binance Smart Chain. Ang bilang ng mga token na susuportahan ay tataas sa paglipas ng panahon, na hahantong sa mas mahusay na pag-access sa liquidity sa Binance Smart Chain.
Ang Binance Bridge ay isang piraso lang ng isang mas malaking proyekto. Nilalayon ng Binance na dagdagan pa ang cross-chain liquidity sa pagitan ng iba't ibang mga blockchain. Abangan ang marami pang iba!