Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance Lite
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Ano ang Binance Lite?
Ano ang mga pagkakaiba ng Binance Lite at Binance Pro?
Mga pangwakas na pananaw
Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance Lite
HomeMga Artikulo
Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance Lite

Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance Lite

Baguhan
Published Oct 18, 2021Updated Nov 4, 2021
5m

TL;DR

Ang Binance Lite ay pinasimpleng bersyon ng Binance App. Layunin nitong mas padaliin ang pagbili at pagbebenta ng mga cryptocurrency para sa mga bago sa pag-trade ng crypto. Sa Binance Lite, makikita ng mga user ang mga presyo ng mga mas sikat na cryptocurrency, makakabili sila, matitingnan nila ang balanse sa kanilang wallet, o makakapag-subscribe sila sa mga produkto ng Binance Earn sa ilang hakbang lang.

Tandaan na maa-access mo ang feature na Binance Lite sa Binance App. Hindi kailangang mag-download ng isa pang app. Kung hindi mo mahanap ang feature, tingnan kung nangangailangan ng update ang iyong Binance App.


Panimula

Habang patuloy na sumisikat ang crypto, posibleng maging mahirap ang dumaraming palitan at tool sa pag-trade, lalo na sa mga bagong user. Para mas padaliin para sa lahat na makabili ng bitcoin at iba pang sikat na cryptocurrency, nagpakilala ang Binance ng pinasimpleng bersyon ng Binance App na tinatawag na Binance Lite. Available na ngayon ang function sa karamihan ng mga user ng Binance.


Ano ang Binance Lite?

Ang Binance Lite ay pinasimpleng bersyon ng Binance App. Nag-aalok ito ng madaling gamiting interface na naglalaman ng mas kaunting impormasyon sa homepage ng app. Ang makikita lang ng mga user ay ang mga pangunahing feature kapag inilunsad nila ang App, kaya naman perpektong opsyon ang Lite mode para sa mga baguhan sa crypto at mga bagong user ng Binance. Gayundin, kung gumagamit ka ng mas lumang mobile device o limitadong koneksyon sa internet, makakapagbigay ang Binance Lite ng mas mahusay na performance kaysa sa classic na Pro na bersyon.

Sa kasalukuyan, ang Binance Lite ay ang default na interface kapag binuksan ng mga user ang Binance App sa unang pagkakataon. Madali silang makakapagpalipat-lipat sa Lite at Pro mode anumang oras ayon sa kanilang kagustuhan at mga pangangailangan sa pag-trade. Para baguhin ang mode ng app, mag-tap sa icon ng profile sa kaliwang sulok sa itaas at i-toggle ang button sa tabi ng [Binance Lite].


Kumpara sa Binance Pro, pinahusay ng Binance Lite ang kakayahan nitong magamit, kaya mas madali itong mana-navigate ng mga bagong user. Sa Lite na bersyon, ang makikita lang ng mga user ay ang mga presyo ng mga mas sikat na cryptocurrency sa homepage ng app, kasama ng berde o pulang linyang nagpapakita ng trend ng presyo sa loob ng partikular na yugto ng panahon. Sa kabila ng simpleng interface, may opsyon pa rin ang mga user na ayusin ang mga coin ayon sa kasikatan, market cap, presyo, at mga pagbabago sa loob ng 24 na oras. Puwede rin silang mag-tap sa partikular na coin para tingnan ang trend ng presyo nito sa madaling basahing candlestick chart, na puwedeng i-customize para ipakita ang trend sa iba't ibang yugto ng panahon. Kasama rin sa ibaba ang impormasyon at balita tungkol sa coin.


Puwedeng bumili ng crypto ang mga user sa ilang hakbang lang sa Binance Lite. Kailangan lang nilang mag-tap sa button na [Mag-trade] sa page ng coin. Piliin ang fiat currency na gagamitin, ilagay ang halagang bibilhin, at piliin ang paraan ng pagbabayad para kumpirmahin ang order. Pagkatapos, puwedeng tingnan sa wallet ang biniling crypto. Ganito rin ang gagawin kapag magbebenta ng crypto. Mag-tap sa [Magbenta] sa kanang sulok sa itaas, o gamitin ang function na [Mag-convert] para mag-convert sa pagitan ng iba't ibang coin.


Maliban sa mga pangunahing function sa pag-trade, nag-aalok ang Binance Lite ng iba pang produkto ng Binance Earn para mapalago ng mga user ang mga hawak nilang crypto. Ang Binance Earn ay parang savings account. Puwedeng i-subscribe ng mga user ang mga hindi nila ginagamit na coin sa BNB Vault o Flexible Savings at makakatanggap sila ng tuloy-tuloy na kita. Flexible ang mga produkto ng Earn, ibig sabihin, magagawa ng mga user na magdeposito ng mga pondo, makakuha ng interes, at i-redeem ang mga iyon anumang oras nang walang bayarin sa transaksyon.

Para mag-subscribe sa mga produkto ng Binance Earn, mag-tap sa banner ng Earn sa homepage ng app. Makikita ng mga user ang lahat ng available na coin at ang kaugnay na tinantyang APY ng mga ito.


Para sa higit pang impormasyon kung paano gamitin ang Binance Lite, tingnan ang sunod-sunod na gabay na ito: Magsimula sa Binance Lite para Bumili at Magbenta ng Iyong Crypto.


Ano ang mga pagkakaiba ng Binance Lite at Binance Pro?

Gaya ng nabanggit, ang Binance Lite mode ang default para sa lahat ng user na gagamit sa unang pagkakataon. Mas madali itong gamitin para sa mga bago sa pag-trade ng crypto, na nagbibigay-daan sa kanilang mabilisang tumingin ng mga presyo at bumili mula sa dashboard sa homepage.

Kahit na inalis sa Lite mode ang mga mas kumplikadong function ng produkto, ang mga pangunahing feature na pinakamadalas gamitin ay madaling maa-access mula sa navigation bar sa ibaba. Puwedeng mag-tap ang mga user sa gitnang dilaw na icon para bumili, magbenta, o mag-convert ng crypto, o puwede silang mag-tap sa icon ng wallet para tingnan ang balanse sa kanilang wallet, alokasyon ng asset, at halaga ng portfolio.


Sa kabilang banda, nag-aalok ang Binance Pro ng mga versatile na functionality sa pag-trade para matugunan ang mga pangangailangan ng mga propesyonal na trader, gaya ng Futures Trading, Options Trading, at Margin Trading. Ang interface ng pag-trade sa Pro na bersyon ay mas mahusay at nag-aalok ng mga advanced na tool sa pag-chart at uri ng order. Bukod pa sa mas detalyadong interface, makakapag-trade ang mga user sa Binance P2P sa iba pang user, o mapapalago nila ang kanilang mga crypto asset gamit ang iba't ibang plano sa pag-stake na available sa Binance Earn.


Binance Lite

Binance Pro

Interface

Pagbili, pagbebenta, pag-convert, at P2P trading

Advanced na interface ng pag-trade na may mga teknikal na tool sa pag-chart, uri ng order, at order book

Pagbili at Pagbebenta

Ang pinakamadaling paraan para bumili at magbenta ng mga pipiliin mong currency

Kasama ang lahat ng available na currency

Mga Produkto sa Pag-trade

Pag-convert lang

Spot, Futures, Options, Margin Trading, at higit pa

Mga Produkto ng Binance Earn

Flexible Savings at BNB Vault lang

Isang kumpletong hanay kasama ang Flexible Savings, Locked Savings, Locked Staking, Mga Aktibidad, Launchpool, Liquid Swap, Dual na Pamumuhunan, at BNB Vault



Mga pangwakas na pananaw

Kung isa kang aktibo o sanay nang trader, baka mas mainam na opsyon ang Pro na bersyon, dahil nagbibigay ito ng mas maraming feature at tool sa pag-trade para masulit mo ang maraming iba't ibang produkto at serbisyo ng Binance na iniaalok namin. Kung bago ka sa espasyo at naghahanap ka ng mabilis at madaling paraan para makapagsimula, inirerekomenda namin na ang Lite mode muna ang gamitin mo. Sa alinmang sitwasyon, puwede mong pag-eksperimentuhan ang dalawang opsyon anumang oras dahil napakadaling magpalipat-lipat sa Lite at Pro na bersyon.