TL;DR
Lubhang tumaas ang interes sa mga NFT. Bagama't maraming proyekto ng NFT ang may maliit nang komunidad ng mga interesadong tao mula pa noong umusbong ang mga ito, nagdulot ng bahagyang NFT bubble ang taong 2021.
Panimula
Kasama sa ilang hindi pa gaanong natatalakay na paggamit ang pagkatawan sa pagmamay-ari ng mga asset sa totoong buhay gaya ng real estate o likhang sining. Posible ring ma-tokenize ang mga bagay na may matataas na value tulad ng vintage na sasakyan at hatiin ang pagmamay-ari nito sa maraming tao. Sa kasong ito, ang bawat isa ay may maliit na pagmamay-ari ng sasakyan.
Gayunpaman, marami sa mga popular na gamit ng mga NFT ay sa mga digital na bagay. Talakayin natin ang mga ito nang isa-isa.
1. Mga Beeple NFT
Malamang ay narinig mo na ang tungkol sa pagbebenta ng NFT. Ito ay isa sa mga bihirang kaso kung kailan may pangyayari sa mundo ng crypto na nakakapasok sa mainstream. Ang digital artist na si Mike Minkelmann, na mas kilala sa tawag na Beeple, ay ginulantang ang mundo ng sining sa pagbebenta niya ng NFT na nagkakahalaga ng $69M sa ETH. Ang pagbebenta ay pinamahalaan ng auction house na Christie's. Hindi pa kailanman nakabenta si Beeple ng print na higit sa $100 at sa isang iglap, naging isa siya sa mga buhay na manlilikha na may pinakamataas na value sa buong mundo.
Ano kaya ang posibleng dahilan kung bakit nabigyan ng mataas na value ang kanyang likha? Mayroon nang malaking fanbase si Beeple, salamat sa kanyang serye, kung saan gumagawa at nag-a-upload siya ng kanyang mga likhang sining araw-araw. Sa katunayan, wala pa siyang mintis kahit isang araw sa huling 14 na taon. Ang piyesang ito ay pinamagatang "Everydays - The First 5000 Days" at ito ay isang collage ng kanyang mga likhang sining mula sa unang 5000 araw ng proyekto.
Ang pagbebenta ni Beeple ay isang malaking milestone sa susunod na kabanata ng digital na sining at ipinapakita nito na hindi gimik ang mga NFT na maglalaho rin.
2. NBA Top Shot
Ang NBA Top Shot ay isang proyekto ng Dapper Labs kung saan puwedeng bumili ang mga user ng mga pack ng natatanging digital na likhang sining na nagtatampok ng mga hindi makakalimutang sandali sa NBA bilang mga NFT.
Ano kaya ang posibleng dahilan ng tagumpay nito? Malaking bahagi nito ang brand ng NBA. Ang pag-isyu ng mga collectible na nauugnay sa isang larong maraming tao na ang interesado ay nagpadali ng pagbebenta nito kaysa sa isang digital na alagang hayop. Ang isa pang aspekto ay ang karanasan ng user. Pakiramdam mo ay hindi isang produkto ng blockchain ang NBA Top Shot kaya mas madali itong tanggapin ng maraming tao.
Iniiwasan ito ng NBA Top Shot sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga aspekto ng desentralisasyon para mapabuti pa ang karanasan ng user. Malamang na maraming user ang hindi alam na gumagamit sila ng isang produktong nakabatay sa blockchain – at iyan ay maituturing nang isang tagumpay.
3. Cryptopunks
Ang Cryptopunks ay isa sa mga maagang umusbong na NFT sa Ethereum. Available na ang mga ito nang ilang taon at nakakuha ng katamtamang interes hanggang sa dumating ang NFT bubble ng 2021.
Ang Cryptopunks ay isang proyekto ng Larva Labs. Tampok dito ang 10,000 natatanging collectible na karakter sa Ethereum. Walang dalawa ang magkatulad.
Sa paglulunsad, ang bawat isa sa mga ito ay puwedeng i-claim nang libre ng kahit na sinong may Ethereum wallet. Noong 2018, puwede kang bumili ng isa nito sa halagang 50-100 USD. Pero noong 2021, biglang umangat ang presyo nito. Pagdating ng March 2021, ang pinakamahal sa mga ito ay naibenta sa halagang 4,200 ETH.
Makuha nang libre at ibenta nang milyones? Hindi na masamang pamumuhunan. Dapat pa ring tandaan na ang pagbili ng "una" ng kahit ano ay may kaakibat na premium sa presyo at ang mga ganitong klaseng return ay malabong mangyari sa hinaharap.
4. Axie Infinity
Ang Axie Infinity ay isang larong blockchain kung saan ang mga manlalaro ay nagbi-breed ng mga birtwal na alagang hayop na tinatawag na Axies. Puwede mong isiping isa itong kumbinasyon ng Pokémon at CryptoKitties. Ang mga manlalaro ang may-ari at may kontrol sa mga alagang hayop na ito, o puwede rin nilang i-trade ang mga ito sa ibang manlalaro. Puwede silang makipaglaban sa mga halimaw sa Adventure mode o harapin ang isa't isa sa isang PvP (player vs player) na labanan.
5. Decentraland
Ang Decentraland ay isang virtual reality na laro na nakabatay sa blockchain. Puwedeng gumawa at mag-trade ang mga manlalaro ng LAND, isang virtual na lupa na kinakatawan ng isang ERC-721 token. Ang bawat bahagi ng lupa ay naiiba at ang bawat may-ari ay may pagkakataong pumili kung ano ang ilalagay nila sa kanilang lupa. Puwede itong isang simpleng tanawin o hanggang sa isang interaktibong laro.
Puwedeng bumili ang mga manlalaro ng LAND gamit ang katutubong token ng platform, ang MANA. Kung iisipin, may sariling ekonomiya ang Decentraland, kung saan puwedeng makipag-ugnayan ang mga manlalaro sa isa't isa sa iba't ibang paraan at pagkakitaan ang kanilang mga aktibidad. Pero hindi gaya ng ibang kaparehas na virtual reality na laro tulad ng Second Life, ang Decentraland ay ganap na kinokontrol ng isang desentralisadong hanay ng mga aktor.
Mga pangwakas na pananaw
Hindi maipagkakailang pangmatagalan ang mga digital collectible. Kung anuman, higit pang magiging popular ang mga pamilihan ng NFT.
Magkagayon man, paglipas ng matagal na panahon, malamang na maging zero ang karamihan sa mga NFT. Dagdag pa rito, ang liquidity ng mga NFT ay iba sa liquidity na nakasanayan mo sa isang merkado na gaya ng BTC/USD, kaya maging mapanuri kung iniisip mong kumuha ng mga ito.